Magpapatupad ng dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa bansa, sa pangunguna ng Pilipinas Shell, ngayong Martes ng umaga.

Ayon sa Shell, epektibo dakong 6:00 ng umaga ngayong Pebrero 9 ay magtataas ito ng P1.05 sa presyo ng kada litro ng kerosene at 95 sentimos sa diesel, habang 70 sentimos naman ang tinapyas sa gasolina nito.

Asahan na ang pagsunod ng iba pang kumpanya ng langis sa dagdag-bawas sa presyo sa petrolyo kahit hindi pa naglalabas ng abiso ang mga ito.

Ang bagong price adjustment ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Pebrero 2 nang nagdagdag ang Shell ng P1.20 sa kerosene, P1.05 sa diesel, at 45 sentimos sa gasolina. (BELLA GAMOTEA)