RUFA MAE AT TREV copy copy

NASAGOT ang maraming tanong kung bakit nawawala sa eksena si Rufa Mae Quinto, nasa San Francisco, California pala siya all along at ang lovelife naman ang inasikaso.

Matagal na siyang hindi napapanood sa Bubble Gang at ang akala’y nag-extend lang ng bakasyon.

Noong isang araw, in-announce ni Rufa Mae via Instagram (IG) na engaged to be married na siya sa Fil-Am guy na si Trevor Magallanes. Lahat ay masaya para kay Rufa Mae na alam ng lahat ang mga pinagdaanang pagsubok sa buhay, lalo na sa kanyang lovelife.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Wala pang date ng kasal, pero siguro naman this year na ito magaganap.

Sa ipinost na pictures ni Rufa Mae sa engagement party nila ng fiancé, makikita siyang masayang-masaya. Sa picture na kasama niya ang buong family ng fiancé, ang caption niya ay, “Thanks my new family... For the love and support, for hosting , from throwing a wonderful, amazing, happy, lovely engagement dinner party. Can’t say much ‘coz I’m so overwhelmed, yes to all my friends now in SF, thanks for coming. So,yeah, I’m engaged.”

Si Rufa Mae ang bagong engaged sa showbiz na kinabibilangan din ni Isabelle Daza at ang susunod na mag-a-announce na engaged na rin siya ay si Georgina Wilson. (NITZ MIRALLES)