Nahatak ng National University ang record winning run sa 35 matapos magtala ng dalawang sunod na tagumpay sa men’s division ng UAAP Season 78 lawn tennis tournament sa Rizal Memorial Tennis Center.

Sinimulan ng 4-peat seeking Bulldogs ang kanilang kampanya sa pamamagitan ng parehas na 4-1 panalo kontra De La Salle at Ateneo.

Ang naitalang winning streak ng NU ang ikalawang pinakamahabang naitala sa isang sport sa liga kasunod ng 64-game run ng Adamson University sa softball.

Sa iba pang laban, nakamit naman ng University of Santo Tomas ang ikalawang tagumpay para sa maagang pamumuno sa women’s division.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Tinalo ng Tigresses ang Lady Archers, 3-2, bago isinunod ang Lady Eagles,4-1 para sa malinis na barahang 2-0.

Matapos namang makakuha ng bye sa opening day, sinimulan ng defending champion Lady Bulldogs ang kanilang title-retention campaign sa pamamagitan ng 5-0 pagblangka sa Lady Maroons. (Marivic Awitan)