SA grand presscon ng Dolce Amore, ang isa sa agad na itinanong kay Enrique Gil ay kung nag-level-up na ba ang relasyon niya kay Liza Soberano.

Hindi pa rin ba sila magkarelasyon ng isa sa pinakamagandang Kapamilyang actress?

May pahayag kasi noon si Enrique na nakahanda siyang maghintay hanggang mag-debut ang dalaga (last January 4) – para legal na ang pagiging magkasintahan nila.

Wala pa rin bang nangyari sa plano niya noon para sa leading lady niya?

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Well, tuwing nagbi-birthday nagre-rewind. Nagba-back track,” napatawang sagot ng actor.

So, ano ba talaga ang real score nilang dalawa ngayon? Sila na ba or hanggang magka-loveteam pa rin ang samahan nila?

“At this point, ‘yung pagiging boyfriend-girlfriend hindi pa puwede sa ngayon. Kumbaga, you know there are other priorities. We both have to prioritize. Pero we’re in a place na we’re both so happy,” paliwanag ni Enrique.

So, hindi pa nagbabago ang estado o label ng kanilang samahan?

“Label doesn’t really mean anything as long as you’re happy. So, as long as masaya kayo, nothing really matters,” may ngiti pa ring paliwanag ni Enrique. (JIMI ESCALA)