KRIS copy

MISS na miss na ng kanyang fans si Kris Aquino dahil mula nang bumalik from Bangkok, Thailand para sa TVC shoot at pictorial ng endorsement niya para sa isang detergent, hindi pa siya nagpaparamdam.

Biglaan ang kanyang pananahimik at hindi pagpapakita sa publiko, kaya nagtatanungan ang lahat, hindi lang ang kanyang fans.

Re-runs ng KrisTV ang napapanood, wala siyang TV guesting, at matagal na siyang hindi nagpo-post at nag-a-update sa kanyang social media account. Ang followers ni Kris sa Instagram ang nagtatanungan kung ano ang nangyari sa TV host-actress. Nataranta pa sila nang malamang nagkasakit si Kris nang bumalik from Thailand, pero dahil hindi siya nagpo-post, lalong nabahala ang kanyang fans.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Pero simula bukas, Lunes, bagong episodes na uli ng KrisTV ang mapapanood at pumunta pa sa Mindoro si Kris at ang kanyang team para mag-shoot ng new episodes. Sina Janella Salvador at Marlo Mortel ang kanyang guest sa episode bukas.

Matutuwa ang fans ni Kris dahil makikita siyang masigla at naka-recover na sa kanyang sakit (flu). Sana nga lang, banggitin niya sa KrisTV kung bakit matagal siyang nawala para hindi mag-aalala ang kanyang fans.

May ilang fans nga na sa sobrang desperadang makibalita ng tungkol kay Kris, inaway ang ABS-CBN dahil wala raw anumang inilalabas na balita tungkol sa Queen of All Media at ang feeling nila, may news blackout sa TV host-actress.

Ang blurb line pala ng KrisTV ay “Fresh ideas” at “New Adventures.” Totoo kaya ang nabalitaan naming babaguhin ang concept ng show? (NITZ MIRALLES)