PIA AT SAM copy

URONG-SULONG si Sam Milby sa pagpunta sa victory party ni 2015 Miss Universe Pia Alonzo Wurtzbach sa Unit 27 Apartment Bar and Cafe sa Bonifacio Global City bago lumipad ang dalaga patungong San Francisco, USA kinabukasan dahil napag-alaman ng singer/actor na siya lang ang inimbitahan nitong taga-showbiz.

Sinabihan si Sam ni Pia na pumunta at gusto siyang makasama at ipapakilala sa non-showbiz friends nito kaya kahit nag-aalangan ay pumunta ang aktor.

Kuwento ng aming source na dumalo rin sa naturang party, hindi raw iniiwan ni Pia si Sam kasi nga walang ibang kakilala ang aktor sa mga bisita at halata ring medyo naiilang.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ipinakilala nga raw ni Pia si Sam sa ibang mga bisita, na kasama niya sa Star Magic na totoo din naman.

May nakita kaming pruweba na lagi ngang nasa tabi ni Pia si Sam, ang isang picture na nang mag-blow ng candle si Pia, na siya mismong nag-post nito sa Instagram na nilagyan ng caption na, “That photobomber looks familiar, had a lot of fun during my victory party last weekend in Manila!”

Samantala, unsure ang aming source kung may usapan sina Pia at Sam na magkikita sa Amerika ngayong Marso dahil magkakaroon ng Heartthrob tour kasama sina Piolo Pascual at Pokwang sa Pechanga Resort and Casino, California, USA.

Nabanggit din sa amin na hindi puwedeng magtagal si Sam sa Amerika dahil lagare siya sa taping ng Doble Kara at Written In Our Stars na nag-resume na. (Reggee Bonoan)