Lady Gaga copy

SI Lady Gaga ang nakatakdang umawit ng National Anthem sa Super Bowl sa Linggo, Pebrero 7, na gaganapin sa Levi’s Stadium sa Santa Clara, California, pahayag ng NFL nitong Martes. Makakasama niya ang Academy Award winner na si Marlee Matlin, na nakatakdang itanghal ang American Sign Language ng awitin.

Ito ang magiging ikalawang major performance ni Gaga sa mga lumabas na balita sa loob ng 24 oras. Nitong Martes, inihayag ng Recording Academy na si Gaga ay maghahandog ng tribute para sa yumaong si David Bowie sa GRAMMY Awards sa Pebrero 15.

Isiniwalat ng 29 na taong gulang na pop star nitong unang bahagi ng buwan na ilalabas na niya ang kanyang pinakabagong album ngayong taon.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

“I am putting out an album this year,” pahayag niya sa mga reporter sa backstage sa Globes. “I won’t tell you when, but it is coming out this year.”

Samantala, ang kapwa performer sa Super Bowl 50 na si Beyonce, na ayon sa ulat ng ET ay makakasama ng Coldplay sa halftime show, ay magkakaroon din ng bagong album. (ET Online)