XIAN LIM copy copy

NGAYONG napatunayan na ni Xian Lim na may ibubuga pala siya sa larangan ng pag-arte, marami ang nagsasabi na dapat ay maging mapili na siya sa mga gagawin niyang proyekto.

Kaya ang susunod na gagawin ng actor, sa pelikula man o sa telebisyon, inaasahang makakatulong sa tuluy-tuloy na pag-unlad ng kanyang karera bilang tunay na actor.

“Hindi naman po,” sangga ni Xian nang makausap naming kahapon. “Hindi naman dapat na maging choosy agad tayo sa mga gagawin kong projects in the near future. Katulad nga po ng sinabi ni Ms. Vilma (Santos) na, ‘You’re always as good as your last (work).’ And she always stressed the value of humility, and everything is a learning experience.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

“And I know sa lahat ng projects, alam ko marami po akong matututunan.”

Tuwang-tuwa rin siyempre si Xian sa magagandang feedback sa acting niya sa Everything About Her. Mas masaya siya na kumikita nang husto ang pelikula nila nina Angel Locsin and Gov. Vilma.

Nabura na ni Xian ang lahat ng masamang impresyon at pati na ang pagkakasama niya sa casting sa pelikula na kinukuwestiyon noon.

“Normal din po naman sa mga tao to question kung bakit ako ang napili sa pelikulang ‘yun. But now I’m happy, I feel very blessed na tinatanggap nila nang buo at madami ang naapektuhan sa pelikula namin na hanggang ngayon pinipilihan pa rin,” sey pa ni Xian.

Marami rin siyang pinahanga sa pagho-host niya sa katatapos na homecoming party para kay Miss Universe Pia Wurtzbach.

Willing na rin ba si Xian na tanggapin ang kakaibang role sa pelikula na kagaya ng gay role na ginampanan nina Luis Manzano at John Lloyd Cruz sa In My Life?

“Oo naman. Walang problema sa akin. Gustong kong gawin ang mga ganu’ng klaseng role,” mabilis na sagot ni Xian.

Pangarap din daw niyang makagawa ng ganu’ng klaseng role sa movie o sa telebisyon. Medyo challenging para sa kanya, huh!

“Sa totoo lang, given the right material po, walang problema sa akin ang role na kagaya ng ginawa nina Luis at John Lloyd. Isa po talaga ‘yan sa mga pangarap kong magampanan in the near future,” lahad pa rin ni Xian. (JIMI ESCALA)