IBINALITA ng Nickelodeon sa ABS-CBN Star Magic na nominado sina Enrique Gil at Kathyrn Bernardo sa 2016 Nickelodeon Kids’ Choice Awards sa kategoryang Favorite Pinoy Personality.

Ang Nickelodeon Kids’ Choice Awards (KCA) ay taunang star-studded awards show na isinasagawa sa US na sadyang nilikha para lamang sa mga bata upang mabigyan sila ng kapangyarihan na suportahan at iboto ang kanilang mga paborito sa iba’t ibang mga kategorya kabilang na ang TV show, pelikula, music artist, sports star, and maraming iba pa. Gaganapin ito nang live sa Los Angeles sa Marso 12, 2016.

Ang KCA ay isang global event na may localized international categories. Ang Nickelodeon fans sa buong North at Southeast Asia ay binibigyan ng pagkakataon na suportahan ang kanilang mga paboritong artists sa pamamagitan ng pagboto, kabilang na ang brand new local category, ang Favorite Pinoy Personality. 

Bilang isa sa mga nominado ngayong taon, makakatunggali ni Enrique Gil sa award ang iba pang home-grown artists sa Pilipinas. Ang past nominees mula sa the Pilipinas ay sina Charice, na nanalo ng very first Favorite Asian Act award (2012), Sara Geronimo (2013), Anne Curtis (2014), at si Daniel Padilla (2015) – na nanalo ng global Slime-A-Star award.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ang KCA voting ay isinasagawa na via http://kca.nick-asia.com/vote at Twitter. Huwag kalimutan ang hashtags na #VoteEnriqueFPP, #VoteKathrynFPP and #KCA upang mabilang ang inyong mga boto. Maaaring bumoto sa website at sa Twitter kahit maraming beses.