jadine-for-insideshowbiz-magazine-2 copy copy

MAY reaksiyon na sina Nadine Lustre at James Reid sa picture nila na naging viral sa social media na kuha sa kanila habang magkahawak-kamay na natutulog sakay ng eroplano. Ang hinala ng JaDine fans ay isang co-passenger ang kumuha ng larawan.

“We do this all the time,” kaswal na sagot ni Nadine sa isang panayam nang tanungin tungkol sa naturang picture.

Normal na raw sa kanila ni James ang pagho-holding hands tuwing nagta-travel lalo na’t madalas mangalay ang kanyang katawan. Nakakaramdam din daw siya ng comfort kapag magka-holding hands sila lalo na ‘pag nakakaranas ng turbulence o air pockets ang sinasakyan nilang jets.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Lumakas tuloy ang hinala ng JaDine fans na totohanan na ang love team nila.

“Nothing’s changed, really,” paliwanag ni James. “We are still friends. We’re really close friends now more than ever.”  

Kung ganu’n, eh, ‘di wow!

Dapat daw silang maging close dahil halos araw-araw nga silang magkasama sa trabaho simula nang umere ang OTWOL, paliwanag pa ni Nadine.

“It’s been two years at sobrang dami na naming pinagdaanan,” sabi ng dalaga. “Parang weird naman kung ‘di kami magiging close, so ‘yun po.”

Ibinida rin ni Nadine ang malapit nang magtapos ng On The Wings of Love. Ipinapakita sa teaser na babalik sila ng US pero hindi na sila magkasama. Ano kung ganoon ang magiging ending ng serye?

“Secret!” sabay tawang sagot ni Nadine. “Tingnan natin kung meron ba o wala! Actually ang mga na-shoot namin sa San Francisco dapat nilang abangan at ‘yun din sa Lake Tahoe abangan din nila, ‘yun ‘yung twist na magaganap, sobra po!”

Pakiusap nina James at Nadine, tutukan daw ang pagtatapos ng OTWOL para hindi malito o maiwan sa ending ng istorya.

“Well it’s pretty much obvious from the trailer and the teaser na maghihiwalay sila, you just have to see,” sabi naman ni James. (ADOR SALUTA)