MAGSASAMA-SAMA ang ilan sa mga kilala at promising singers ng Kapuso Network para sa One Heart, isang charity album sa ilalim ng GMA Records at JUE Entertainment.

Nakatakdang i-release ang One Heart sa February 14 na naglalaman ng tinig nina Glaiza de Castro, Yasmien Kurdi, Derrick Monasterio, Kristoffer Martin, Kylie Padilla, Ruru Madrid, Julian Trono, Betong Sumaya, Gabbi Garcia, Maricris Garcia, Rita Daniela, Nar Cabico, Ralf King, Lindsay De Vera, at Denise Barbacena.

Ang carrier ng nasabing album ay Sa Puso Mo na isinulat at inareglo ng Korean composer na si Kim Hyun Jik.

Laman din ng album ang mga awiting Tonight, Sumigaw, Igalaw, Kapit Lang, Free, Para Lang Sa ‘Uo, Wait A Minute, Panahon, You Are Never Alone, Love You The Way I Do, at Broken.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

Magsisimula ang pre-selling ng digital album sa iTunes ngayong February 7 at ang bahagi ng kikitain nito ay mapupunta sa GMA Kapuso Foundation.