Iginiit ni Senator Antonio Trillanes IV na hindi magbabago ang kanyang personal na krusada laban sa mga katiwalian ng pamilya ni Vice President Jejomar Binay sa kabila ng arrest warrant na inisyu ng korte hinggil sa isang libel case na kinakaharap ng mambabatas.

“If the Binay family believes that I can be intimidated and threatened from exposing them, they are badly mistaken. 

I will do everything I can to make sure that plunderers will not rule this country again,” ani Trillanes.

Ito ay bunsod ng isang resolusyon ng Makati City Prosecutors Office na nagsasabing may “probable cause” ang libel case na isinampa sa kanya ng napatalsik na si Makati City Mayor Jejomar Erwin “Junjun” Binay.

Nasa 500 empleyado ng TikTok, nakaambang mawalan ng trabaho dahil sa AI

Nauna nang sinabi ni Atty Rey Robles, abogado ni Trillanes, na nakahanda ang senador na harapin ang kaso sakaling matanggap na nila ang resolusyon.

Tinawag naman ni Liberal Party (LP) spokesman at Akbayan Rep. Barry Gutierrez na duwag si Binay.

“Ang bully, duwag ‘yan. Naninindak ‘pag naiipit sila. Natakot ang mga Binay sa imbestigasyon ni Trillanes, kinasuhan. Pinaalis sa city hall, kinuwelyuhan ang pulis. Hindi pinalabas sa maling gate ng subdivision, tinutukan ang sikyu. Hindi ito asal ng first family, asal ito ng mafia family,” ani Gutierrez.

Sinabi pa ni Gutierrez na hindi maaaring ikatwiran ng mga Binay na hindi sila binigyan ng pagkakataon para kanilang sagutin ang mga akusasyon.

“Sabi nila naghihintay sila ng proper forum. Ayan, sa Ombudsman na sila magpaliwanag, “ dagdag ni Gutierrez.

(Leonel Abasola)