MARAMING na-curious sa status ng lovelife ni Kean Cipriano pagkatapos mabasa sa online post ang civil wedding nila ni Chynna Ortaleza. Wala naman kasing follow-up o confirmation tungkol sa nasabing post. Kaya sa presscon ng Love Is Blind movie, tungkol dito ang isa sa agad na itinanong sa kanya.

May magaganap bang church wedding? May tsismis din kasi na buntis si Chynna.

“Thank you for asking that, but the thing is, me and my wife have talked about it and we discussed it na parang all the details about her life, regarding marriage and her family, we will keep it to ourselves all the details... I mean, thank you for the respect,” bitin niyang pahayag.

Kung buntis man si Chynna kaya’t minamadali ang kasalan, sa family ng girl na niya ipinauubaya ang desisyon.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Well, the thing is... kasi po I respect her decision and our decision as a family as well, so I don’t really want to give out like any details regarding that.”

Dagdag pa ng band member-turned-actor, “But we are living a good life with a happy family. Kapag nagsalita ako tungkol sa detalye baka matulog ako sa baba ng kama at ayoko naman nu’n.”

Pero marami pa rin ang nag-usisang reporter, bakit tila minadali ang civil wedding?

“Love is intense and life is short. Kumbaga, we’re all born to love and to be happy and to die one day. Pero kumbaga, if there’s one perfect thing na mararanasan mo sa buhay is ‘yung magmahal nang sobra-sobra, di ba?” sagot ni Kean.

So, ano ang estado o kalagayan ni Chynna? Buntis nga ba? At ilang buwan na? 

“No details actually to answer that... I know the word private is not that parang hindi siya sa public arena kasi nga we’re both public figures, but I know, maiintindihan n’yo ako.

“’Yung tungkol sa amin ng wife ko, it’s really something so sacred for us. Thank you for the respect, thank you for understanding,” pakiusap ni Kean.

Ngayong taken na si Kean, ibang-iba na ang pananaw niya sa buhay.

“Love is blind but it’s not actually blind – it’s deaf, it’s mute, it is everything. Lahat ng emosyon nandon sa love, so it’s how you see it, kung paano at gaano kalalim o gaano mo kababaw titingnan.

“Pero it’s all about, parang not just being in love with the person but being in love with life itself, with the person. So, ‘yon po ‘yung take ko on love,” pagtatapos niya sabay pahabol na panoorin simula sa February 10 ang kanilang movie na Love Is Blind with Kiray Celis, Derek Ramsay and Solenn Heusaff. (Ador Saluta)