Kukuha ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng mahuhusay at highly qualified professionals na magiging kabahagi ng laban sa illegal drugs ng bansa.

Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac Jr., naghahanda ang ahensiya para sa panibagong recruitment and selection ng 100 matagumpay na aplikante para sa Drug Enforcement Officer Basic Course (DEOBC) Class 16-09.

Sinabi niya na ang drug enforcement officers (DEO) ay binibigyan ng entry level position ng Intelligence Officer 1 (IO1), isang permanent item sa Salary Grade 11.

Ang mga aplikante ay dapat na 21-35 taon gulang, nagtapos ng baccalaureate degree, physically fit at computer literate, may career service eligiblility o pasado sa anumang licensure examination ng Professional Regulation Commission (PRC). Ang lalaking aplikante ay dapat na may taas na hindi bababa sa 5’2” habang 5’ pataas para sa mga babae.

Pagbebenta ng ₱20/kilo ng bigas para sa mga senior, PWD, solo parents, sisimulan sa Mayo 2

Ang mga kwalipikadong aplikante ay maaaring kumuha ng qualifying examinations, neuro-psychiatric tests, medical and dental examinations at physical fitness test, at kailangang sumailalim sa background investigation at panel interview. Sa oras na ma-recruit, sasalang sila sa anim na buwang pagsasanay.

Ang mga interesadong aplikante ay maaaring magpadala ng kanilang accomplished Personal Data Sheet (PDS Form 212, 2005 Revised, na maaaring i-download sa www.csc.gov.ph) sa PDEA Academy Liaison Office, PDEA National Headquarters, NIA Northside Road, National Government Center, Barangay Pinyahan, Quezon City, o sa PDEA Academy, Camp General Mariano N. Castañeda, Silang, Cavite.

Para sa karagdagang impormasyon, bumisita sa official website ng PDEA (www.pdea.gov.ph.). (PNA)