Tumimbuwang ang isang hindi pa nakikilalang lalaki matapos barilin at mapatay ng hindi nakikilalang salarin sa hinalang napagkamalan itong militar, kahapon ng madaling araw, sa Navotas City.

Inilarawan ni Barangay North Bay Boulevard South (NBBS) Chairman Domingo Elape ang biktima na nasa 35-40 ang edad, nakasuot ng asul na jacket at pantalon na camouflage.

Ayon kay Elape, dakong 1:00 ng umaga at naglalakad ang biktima sa Road 10 sa Barangay NBBS sa Navotas nang lapitan ito ng isang hindi kilalang lalaki na nakasuot ng sombrero, at binaril sa ulo at katawan.

Nabatid na galing sa pista ang biktima nitong Sabado ng hapon at nakipag-inuman sa kanyang mga kaibigan sa Bgy. NBBS.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Hinala ng awtoridad, posibleng napagkalamang militar ang biktima dahil sa suot nitong pantalon. (Orly L. Barcala)