Nanawagan kahapon si Senator Francis “Chiz” Escudero kay Pangulong Aquino na magtalaga ng mga indigenous people (IP) sa National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) dahil nasa pinakamainam na posisyon ang mga ito upang epektibong maipagtanggol at maprotektahan ang mga karapatan ng mga katutubo sa bansa.

Sinabi ng kandidato sa pagka-bise presidente na magtatapos na sa Pebrero 20 ang tatlong-taong termino ng kasalukuyang batch ng mga komisyuner sa NCIP.

Ang NCIP, na itinatag sa bisa ng RA 8371 (Indigenous Peoples’ Rights Act of 1997), ay ahensiyang nasa ilalim ng Office of the President at may mandato “to protect and promote the interest and well-being of indigenous peoples with due regard to their beliefs, customs, traditions and institutions.”

Sinabi ni Escudero na dapat na tiyakin ng magiging mga susunod na opisyal ng NCIP na naipatutupad ang RA 8371 “in letter and spirit.”

Eleksyon

Alice Guo, hindi na raw tatakbo sa 2025 elections: 'Linisin ko po muna sarili ko'

“The NCIP officials should be at the forefront of the fight for the rights of our indigenous peoples but I have yet to hear their indignation over the crimes being done against the lumads in Mindanao,” aniya.

“Mabuti pa ang DepEd (Department of Education) at DSWD (Department of Social Welfare and Development), sila ay tumulong at nanghimasok sa isyu samantalang wala man lang tayong narinig sa NCIP laban sa pagyurak sa karapatan ng mga lumad sa iba’t ibang parte ng Mindanao.”

Napaulat na nasa 68 katutubo ang napatay sa termino ng administrasyong Aquino, at 53 sa mga ito ay mga lumad sa Caraga region. (Hannah L. Torregoza)