Vic at Pauleen copy

NAPUNO ng saya, may iyakan din, but tears of joy, ang napakalaking St. James The Great Parish sa Ayala Alabang, Muntinlupa City, na pinagdausan ng kasal nina Vic Sotto at Pauleen Luna noong Sabado ng gabi, January 30. Officiated ang wedding ni Rev. Fr. Jeffrey Quintela.

Bago ang wedding, ipinakita pa sa Eat Bulaga ang pagko-cover ni Ryan Agoncillo sa ginagawang preparations sa The Filinvest Tent na hindi kalayuan sa parish church. In character as Lola Nidora at Lola Tinidora sina Wally Bayola at Jose Manalo, na binisita ang room ni Vic na anila’y inabutan nilang naglalaro ng Candy Crush.  

Ninenerbiyos ba si Vic?

Trending

Mag-jowa naghiwalay na, na-engage na sa iba pero MRT-7 hindi pa rin daw tapos

“No, hindi naman ako ninenerbyos, excited lang at parang hindi ko naisip na ngayon na pala ang kasal ko,” sagot ni Vic. “Nakatulog naman ako.”

Ano ang message niya sa kanyang bride?

“Ang pangakong magsasama kami habang buhay. Thank you for loving me for what I am, sa mga pinagdaanan ko, tinanggap mo ako,” sagot ni Vic.

Nagpasalamat si Vic sa touching message ng isa sa mga itinuturing niyang anak na si Aiza Seguerra, na nagsabing, “Masaya na ako dahil hindi ka na mag-iisa, may makakasama ka na.” At kay Pauleen: “Thank you for not giving up and thank you for loving Bossing the way he’s supposed to be loved.”

Naiyak sina Jose at Wally nang si Pauleen naman ang hingan nila ng message for Vic: “Marami na rin tayong pinagdaanan, and I’m so blessed to have you and spend my life with you.”  

Ayon sa dalawa, marami pang pagsubok silang pagdadaanan sa buhay may-asawa pero sila lamang ang puwedeng lumutas sa anumang magiging problema nila.

Umaga pa lamang ng Sabado, nag-trending na ang kasal nina Vic at Pauleen. Gift ng AlDub Nation sa kanila ang ginamit nilang hashtag na #MrAndMrsSotto. First time iyon na hindi nila isinama ang AlDub sa kanilang hashtag. 

Hanggang sa gabi ng kasal, trending ito sa top position nationwide at worldwide, dahil sunud-sunod ang paglabas ng pictures during the wedding ceremony sa Twitter mula sa mga dumalo sa kasal.

Masayang naglakad si Vic mag-isa sa altar at naroon ang anak niya na si Vico Sotto at groomsmen na sina Jose, Wally at Paolo. 

Ang ganda-ganda naman ng bride na si Pauleen na naglakad ding mag-isa wearing her Francis Libiran wedding gown.

Parehong may tears of joy sina Vic at Pauleen, pero pagkatapos, nagpatawa na si Vic nang sabihin ni Fr. Jeff Quintela na, “You may kiss the bride.”

Kasama ang malaking pamilya ng Eat Bulaga sa pictorial ng mga bagong kasal. Siyempre pa, hindi lamang sa mga bagong kasal gustong magpa-picture ang guests. 

Lahat din, maging ang Dabarkads, ay nagpa-picture kay 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach, best friend at bridesmaid ni Pauleen. 

Nagbigay din ng message si Pia kay Vic: “Please take care of her, I know that she is very strong and she can take care of herself, but deep inside she has a fragile heart. So please take care of our friend.” 

Puwede bang hindi rin magpa-picture kina Alden at Maine, maging si Fr. Jeff ay nagpa-picture na hawak ang mga kamay ng dalawa na parang bini-bless niya.

Ang kabuuan ng Vic-Pauleen wedding at reception ay mapapanood sa Eat Bulaga ngayong Lunes, February 1.

(NORA CALDERON)