ISA sa mga rason kung bakit klik sa tao ang Little Nanay ay ang chemistry nina Kris Bernal at Chlaui Maglayao, gumaganap na Tinay at Chiechie respectively at mag-ina sa nasabing series.

 Chlaui at KrisParang tunay na mag-ina ang dalawa at isama na rin na pareho silang mahusay umarte. 

Sa nakaraang birthday ni Chlaui, ang ganda ng birthday message sa kanya ni Kris na, “My little bundle of joy! Happy Birthday to the coolest and cutest kid in the world, my #LittleNanay. I’m very lucky to have had the opportunity to work with such a smart and talented child! I pray for your bright future. May you reach all your dreams and many achievements in all the years to come! Ipupusta ko, you’ll be a SUPERSTAR in no time! Napakahusay mo sweetheart! Wag mo ko kalimutan ah? I love you, Chlaui! Happy lang!”

Samantala, pagbigyan kaya ng GMA-7 ang request ng mga sumusubaybay sa Little Nanay na i-release nila ang theme song ng teleserye na Kasama Kita? Sina Kris at Chlaui mismo ang kumanta nito at ‘pag kinakanta na ng dalawa, umiiyak ang viewers.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

May kakaibang kurot sa puso ang theme song at mas napi-feel ang ganda ng kanta ‘pag madrama ang eksena sa Little Nanay, gaya noong maghiwalay na sina Tinay (Kris) at Chiechie (Claui).