Ejay Falcon, Jake Cuenca, Joseph Marco - Pasion De Amor_thumb[1] copy

KLINARO ng program manager (PM) ng Pasion de Amor na si Ms. Ryzza Ebriega o Mamu ang isyung pasaway si Coleen Garcia tulad ng nasulat namin base sa kuwento ng aming source.

Pero bago sumagot sa tanong namin si Mamu ay napangiti siya sabay sabing, “Naku, huwag na nating pag-usapan ‘yan, basta mababait ang mga artista namin, wala kaming masasabi, they are all professionals. Pag-usapan na lang natin na magna-nine months na kami this February, na-extend kami, supposedly 6 months lang ang Pasion de Amor, but since ang ganda ng ratings at feedback, na-extend kami at thankful kami sa mga sumusubaybay at siyempre sa inyo for the good write-ups.”

Paanong hindi magri-rate ang Pasion de Amor, e, naggagandahang katawan ng mga bida ang nakikita bago maghapunan.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Kaya nga ang running joke ng iba, may ulam na raw sila.

Lagi kasing naka-topless sina Jake Cuenca, EJ Falcon at Joseph Marco, plus super sexy rin sina Arci Muñoz, Coleen, at Ellen Adarna.

Maganda rin ang takbo ng kuwento ng Pasion de Amor kaya inaabangan din.

Nagpasalamat si Mamu at ang business unit head nilang si Direk Ruel S. Bayani na kahit sexy at topless ang mga artista nila ay never silang naipatawag ng MTRCB.

“We really cut it short kung anuman ‘yung sexy scenes. Talagang naging maingat kami,” sabi ni Ms. Ebriega.

Makulit kami kaya inulit namin ang tanong tungkol kay Coleen.

“Coleen is okay, siyempre minsan hindi maiiwasang may konting… (late) kasi segue sila, may mga pinaggalingan silang iba, so it’s natural and we understand,” paliwanag ng PM ng Pasion de Amor na magtatapos na sa Pebrero 26.

(Reggee Bonoan)