Pinaalalahanan ni Education Assistant Secretary Tonisito Umali ang mga guro na iwasang lumabag sa Omnibus Election Code.

Sa pulong balitaan, sinabi ni Asec. Umali na may kaakibat na parusa ang paglabag sa naturang batas gayundin sa direktiba ng Department of Education (DepEd) at ng Civil Service Commission.

Binanggit Umali na hindi dapat maging partisan o may kinakampihan ang mga guro dahil empleyado sila ng gobyerno.

“Bawal ang mangampanya at maging magkabit ng campaign materials,” paalala ni Umali.

Zeinab, mas iba ang ganda ngayon dahil may 'dilig' na tama

Kaugnay naman sa mga guro na nominado sa Party-list, sinabi ni Umali na itinuturing na nagbitiw na ang mga ito at kung matatalo ay makababalik lamang sa pagtuturo matapos dumaan sa proseso. (Mac Cabreros)