MAINE2 copy

ANG phenomenal star na si Maine Mendoza ay masasabing nasa isa sa pinaka-exciting na bahagi ng kanyang buhay ngayon.

Kalagitnaan ng 2015 nagsimulang makilala si Maine na ngayon ay hindi na matatawaran ang labis-labis na kasikatan.

Dati lang niyang pinapangarap ang lahat ng mga nangyayari sa kanya ngayon.

Tourism

'No. 1 most traveled Filipino citizen globally' sinalubong sa Mactan airport

“Never kong inakala na makararating ako sa lugar na ‘to. I am doing what I really want to do and I am very thankful because of that,” sabi ng dalaga.

Ang pagiging YouTube sensation ni Maine ang naging daan para mapansin at makapasok siya sa Eat Bulaga at makilala at minahal ng buong bansa o buong mundo nang magsimula ang “love story” nila ni Alden Richards sa kalyeserye.

Alam na rin ni Maine na hindi ganoon kadali ang pagiging in demand.

“Not as easy as I thought it was,” pag-amin niya. “I must admit that it is physically-tiring but I am humbled and really thankful that there are fans who support me and to me that is the best part of the job.”

Simula nang sumikat, halos si Maine na ang laman ng lahat ng magazine covers, kaya nakakapag-experiment siya ng iba’t ibang fashion and styles. At walang-duda, si Maine rin ang naging isa sa pinakapaboriting celebrity endorser — sa mahigit anim na buwan lang niya sa showbiz! At isang bagay ito na talagang sineseryoso at pinaniniwalaan ni Maine.

“I have to set an example because of all the personalities that we have, they still chose me to represent their product,” sabi niya.

May sarili ring “rules” si Maine sa pagpili at pagtanggap ng mga produktong ieendorso niya.

“I should make sure that the products I endorse are of high quality because I know that having me as their endorser will affect people’s choices,” aniya.

Kaya ganoon na lang ang tuwa at pagmamalaki ni Maine nang malaman niyang siya ang napili ng CDO Funtastyk Young Pork Tocino na maging celebrity endorser.

“I got excited because this is another blessing and opportunity for me,” pag-amin niya.

Isang malaking factor kay Maine sa pagtanggap niya sa CDO Funtastyk Young Pork Tocino na i-endorso ay ang katotohanan na noon pa man, isa na siyang “fan” ng naturang brand ng tocino na gawa sa young pork at walang salitre.

Ayon kay Maine, “Kumakain na talaga ako ako ng CDO Funtastyk Young Pork Tocino so super excited ako to do the project.”

Ang paniniwala niya sa produktong ineendorso ang isa sa dahilan kung bakit naging magaan at masaya ang shooting niya ng TV commercial nito na ngayon ay napapanood na sa telebisyon.

“’Yung shooting was quite an experience for me dahil ang dami kong emosyon na kailangang ipakita sa isang commercial lang. Kailangan kong umarte na seryoso, fierce, heart-broken at iba pang emosyon. Pero syempre, I have my favorite part. The consumption scene!

“Finally, I was able to express the real me, kenkoy and fun. Fantastic baby pa more!,” natawa niyang sabi.

Ayon pa kay Maine, “It’s delicious. Talagang tender ito dahil gawa ang CDO Funtastyk Young Pork Tocino sa young pork at hindi sa inahing baboy. Hindi malitid. It’s easy to cook too! Walang kahassle-hassle i-prepare! Hindi siya nag-iistick sa pan hindi katulad ng ibang brands!”

At bonus daw ang mga iyon para sa katulad niyang wala masyadong oras para magluto sa kusina.

Dugtong pa ni Maine, “CDO Funtastyk Young Pork Tocino has low shrinkage when cooked compared to other brands with high shrinkage. ‘yung iba, sobrang lumiliit kapag niluluto. Turn off.”

Sa isang banda, inihahalintulad ni Maine ang love niya sa bagong endorsement sa isang young love. Aniya, “The beauty of young love is pure and carefree. You enjoy and be yourself without any worries. Parang fun and puro good vibes lang.”