Rihanna

NEW YORK (AP) — Inilabas na ang pinakabagong album ni Rihanna na pinamagatang ANTI, at ito ay naging libre sa loob ng 24 oras sa kanyang website.

Ang limitadong bilang ng mga maaaring makapag-download ng ANTI ay libre sa website ng pop star noong Huwebes.

Available din ang nasabing album ni Rihanna sa Tidal streaming service.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Ang ANTI ay mabibili na digitally sa Biyernes, at eksklusibong napanood sa Tidal sa loob ng isang linggo.

Si Rihanna ang nagsulat ng karamihan sa laman ng nasabing album.

Hindi kabilang sa ANTIalbum ang mga awitin ni Rihanna noong nakaraang taon, gaya ng Bitch Better Have My Money, American Oxygen at ang FourFiveSeconds, kasama sina Kanye West at Paul McCartney.