Pauleen and Vic copy

OUR congratulations and best wishes kina Marvic Castelo Sotto (61) at Pauleen Marie Javier Luna (27) na ikakasal ngayong gabi, sa parish church ng Ayala Alabang.

Nitong nakaraang linggo, isa-isang ipinakita sa Eat Bulaga, sa pag-interview ng tatlong lola sa kalyeserye na ginagampanan nina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros kung paano nagsimula ang pagiging magkasintahan nila na umabot na ng halos limang taon. Isa sa mga inamin ni Vic, hindi niya alam na madi-develop ang pagmamahal niya kay Pauleen, pero mas maganda raw iyong na-develop na love kaysa madali, na madali ring mawala.

Tinanong din sila ng mga lola kung may theme song ba sila, sagot ni Vic, Dessert daw na laging sinasayaw ni Lola Nidora sa kalyeserye dahil si Pauleen daw ang dessert ng buhay niya. Pero ang gusto naman ni Pauleen ay ang The Last Time.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

“This is the last time I’ll fall in love,” sabi ng bride ni Vic.

Inilabas na rin nina Vic at Pauleen ang bubuo ng entourage ng kasal na pawang mga taga-Dabarkads ng EB at kani-kanilang pamilya. Tatlong sets lang ang principal sponsors, sina Senator Tito Sotto at Mrs. Carmencita Garcia, Mr. Tony Tuviera at Mrs. Madeleine Tuviera at si Joey de Leon at Dr. Salvacion Gatchalian.

Matron of Honor si Ruby Rodriguez at isa sa bridesmaids ang best friend ni Pauleen na si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach. Best man ni Vic ang anak na si Vico, groomsmen sina Jose, Wally at Paolo, at si Anjo Yllana.

Offerors naman sina Alden Richards at Maine Mendoza, candle sponsors sina Paulina Sotto at Miguel Mario Luna. Veil sponsors sina Danica Sotto at Marc Pingris. Cord sponsors sina Oyo Sotto at Kristine Hermosa. Flower girls sina Ryzza Mae Dizon at mga apo ni Vic kay Danica. 

Ang wedding gown ni Pauleen ay gawa ni Francis Libiran at ang motif nila ay baby pink at taupe (shades of mocha and gray).

After the wedding, ang honeymoon ng mag-asawa ay sa Maldives na biro ni Vic, panonoorin lamang niyang mag-swimming si Pauleen. Sa Paris, France sana nila gustong mag-honeymoon dahil pareho silang hindi pa nakakapunta roon pero masyado raw malayo kaya sa ibang pagkakataon na lamang sila pupunta. 

After their honeymoon, back to work pa rin si Pauleen as host ng EB, pero hindi na raw siya tatanggap ng taping ng drama series. Gusto niyang i-devote ang iba niyang oras sa pag-aalaga sa asawa. (NORA CALDERON)