MATAGAL ding nawala sa sirkulasyon ang dating sentimental diva na si Roselle Nava simula nang lumagay siya sa tahimik, sumabak sa pulitika (third term na siya sa pagiging councilor sa Parañaque) at nagkaroon ng dalawang anak.

Sa kanyang muling pagharap sa media kaugnay ng kanyang ipino-promote na Love Throwback concert sa PICC on February 13, ibinahagi ni Roselle ang naging buhay niya sa labas ng showbiz, ang ups and downs at maging ang pagkalaglag ng kanyang ikatlo sanang anak 

“Kasi I had delicate pregnancies all throughout, parang ‘yon ‘yong pagkatapos kong ma-elect and then siyempre first term ko. After noon, I got pregnant and I lost a baby. During my six months pregnancy, I lost a baby, nawalan siya ng heartbeat. On our seventh month check-up, wala na raw marinig ‘yong doctor na heartbeat. So talagang very traumatic experience ‘yon sa akin,” simula niyang kuwento.

Sey ni Roselle, 2012 nang muli siyang magbuntis na nasundan ulit noong 2014.

'Para pa ba sa akin 'to?' Zephanie, muntik nang umexit sa showbiz

“So parang magkakasunod naman ‘yong nangyari. Kaya meron na akong isang three year-old at one year old. ‘Yong mga pregnancy ko sobrang hirap. Talagang kailangan akong i-monitor kasi nagbabara ‘yong mga vein ko leading to the baby, so they’re not getting enough nutrients and they stop growing.

“Eh, siyempre, when they stop growing kahit six months pa lang kailangan mo nang operahan para mailabas ‘yong baby. No’ng nagpa-check-up ako, sabi ng doctor ko, kailangan na raw akong magpa-admit kasi dapat na akong i-observe.

“Few hours lang after kong ma-confine nanganak na ako kasi kailangan nang i-deliver ‘yong baby. Yes, CS ako, eh, no’ng buntis ako, malaki ako, mga 160 lbs ako no’n. So now, I’m still trying to get back to my old shape. Siguro mga konti na lang.”

Dahil laging CS ang kanyang delivery, hindi na siya puwedeng mabuntis o magkaanak muli.

“Hindi na puwede. For medical reasons din, ‘yung uterus lining ko is very thin na kasi lahat ng three pregnancies ko were all CS section, eh. So, my doctor said it would be too risky for me to... we wanted sana to have a girl, pero ‘yon nga, dalawa lang ang kaya namin and we’re happy naman with that,” kuwento pa ng singer.

Sa kanyang muling pagharap sa concert scene, makakasama niya sina Rico J. Puno, Chad Borja, Gino Padilla, Raymond Lauchengco, Nina at Marco Sison.

“Na-miss ko rin talagang mag-perform with some people lalo na sa ganitong mainstream concert. Ang last show na ginawa ko was 2009 pa before I got married.

‘Tagal na, five years na halos. I want to go back again, hopefully after election, to do maybe another album or concert kasi nakaka-miss din talaga,”

Marami sa kanyang Ang TV family ang nagbabalik sa TV at pelikula. May balak din ba siyang mag-comeback sa dati niyang nakagawiang trabaho?

“Oo nga, eh, ang dami na ring bumabalik like sina Jan Marini, Jolina (Magdangal), Claudine (Barretto)... they’re back, so hopefully bigyan din ako ng same opportunity. Kung sila nabigyan ng second chance, malay mo ako rin, di ba? I would really like that,” pahayag pa ni Roselle. (ADOR SALUTA)