Patay ang isang lalaki habang sugatan naman ang 17 iba pa matapos magkabanggaan ang isang pampasaherong jeepney at isang motorsiklo, sa Barangay San Isido sa Jones, Isabela, nitong Huwebes ng hapon.

Ayon kay Chief Insp. Noel Patalittan, hepe ng Jones Municipal Police, kinilala ang namatay na si Michael Garcia, 27, ng Dalibubon, Jones.

Nabatid sa imbestigayon ng pulisya na sakay si Garcia sa motorsiklo nang makasalubong niya ang pampasaherong jeep na lulan ang 20 pasahero at minamaneho ni Mark Salvador, 20, at makasalpukan ito.

Sinubukan ni Salvador na iwasan si Garcia, pero nahagip pa rin nito ang motorsiklo, na bumaligtad kaya agad na nasawi ang huli.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Sa lakas ng impact ng banggaan, bumaligtad din ang jeepney.

Kakasuhan naman ng reckless imprudence resulting to homicide and physical injuries si Salvador, na nagpapagaling pa sa ospital. (Fer Taboy)