Naghain ng panukala si Masbate 1st District Rep. Maria Vida E. Bravo na humihiling sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) at sa Protected Area Superintendent Office (PASu), sa ilalim ng superbisyon ng Protected Area Management Board (PAMB), na maghanda ng 25-taong management plan upang maideklara ang Sombrero Turtle at Sea Eagle Sanctuary bilang protected area at critical habitat.

“It is incumbent upon Congress to declare the Sombrero Turtle and Sea Eagle Island Sanctuary as Protected Area and Critical Habitat in order to safeguard its ecological significance and protect the diminishing pollution of the Hawksbill Turtles (Erethmochelys Imbricate) and Green Sea Turtles (Chelonia Mydas),” ayon kay Bravo.

Aniya, ang Sombrero Turtle and Sea Eagle Island Wildlife Sanctuary and Critical Habitat ay sumasaklaw sa lahat ng lupain at tubig sa Barangay Iniwaran, San Pascual, Masbate. (Bert de Guzman)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog