Nabulabog ang mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 matapos bumagsak ang kisame sa isang bahagi nito, kahapon ng umaga.

Ayon sa ulat, isang Amerikano, na nakilalang si Day Adam Warner, 30, ang nagtamo ng galos makaraan itong mahagip ng bumagsak na kisame habang nag-aalmusal kasama ang kanyang maybahay at anak sa Sweet Ideas restaurant sa loob ng paliparan, dakong 7:40 ng umaga.

Sinabi ni NAIA Terminal 2 Manager Octavio “Bing” Lina na mahinang klase ang mga ginamit na materyales sa pagkukumpuni ng kisame sa naturang pasilidad.

Iimbestigahan ng pangasiwaan ng NAIA kung sumunod ang concessionaire sa terminal sa panuntunan na itinakda ng mga opisyal ng paliparan sa pagkukumpuni ng kisame sa kanilang establisimiyento.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Ito ay dahil ang concessionaire ang bumabalikat at nangangasiwa sa konstruksiyon ng interior ng kanilang establisimyento.

Humingi ng paumanhin si Lina kay Warner bago ito sumakay ng Delta Airlines flight DL-172 patungong Amerika dakong 10:00 ng umaga.

Pansamantala namang isinara ang Sweet Ideas restaurant upang magbigay-daan sa isasagawang imbestigasyon ng awtoridad. (Ariel Fernandez)