DANIEL, KORINA, KATHRYN AT MAR copy

MARAMI ang namangha sa espesyal na report ni Korina Sanchez-Roxas tungkol sa mahiwagang isla ng Biringan, sa Samar sa nakaraang episode ng Rated K.

Patuloy na usap-usapan ang ikinuwento ni Koring na misteryong bumabalot sa isang isla na matagal nang pinaniniwalaan ng mga taga-Visayas. Ayon sa sabi-sabi ng matatanda, may portal o pintong daanan patungo sa ibang dimensiyon sa isla ng Biringan. Madami ang nagpapatotoo sa mga kababalaghan na nangyayari sa naturang isla pero marami rin ang nagsasabi na ito ay bunga lamang ng malikot na imahinasyon ng mga taong tagaroon.

Totoo man ito o hindi, hindi maitatanggi na ang nasabing isla ay hitik sa yamang-dagat tulad ng Capiz na home province ng mister ni Koring na si Mar Roxas. Kapwa mahilig magregalo sina Mar at Korina ng masasarap at katakam-takam na mga sugpo at alimango na isa sa mga ipinagmamalaki ng Capiz.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Ayon kay Korina, na isang certified animal lover, magaan sa loob niya ang kumain ng sugpo at alimango kaysa sa manok, baboy, at baka.

“Wala namang puso ang sugpo at alimango, di ba?” natatawang sabi ng host ng Rated K. “Dahil walang puso ang sugpo at alimango, feeling ko wala silang damdamin kaya okay lang na kaninin ko sila. Pero sa totoo lang at kidding aside, siyempre ingat din sa cholesterol. Dapat lahat in moderation.”

Nang mapalapit kina Daniel Padilla at Kathyrn Bernardo simula nang kusang mag-volunteer sa kandidatura ng kanyang mister, agad niyang pinadalhan ang mga bida ng top-rating teleserye na Pangako Sa ‘Yo ng sariwang sugpo at alimango mula sa Capiz.

“Pinadalhan ko sila agad matapos kong malaman na mahilig sila sa seafoods,” kuwento ni Korina. “It’s the least I could do bilang kapalit sa lahat ng mga tulong nila sa amin.”

Wiling-wili sina Daniel at Kathryn sa fresh seafoods na ipinapadala sa kanila nina Mar at Korina at hinahanap-hanap na tuloy ng mga ito. Kahit sino sa showbiz na nagbigyan na rin ng mag-asawa nito ay makakapagpatunay na hahanap-hanapin talaga ang sarap ng sugpo at alimango ng Capiz.

Matatandaang kasama sina Daniel at Kathryn sa mga sikat na local celebrities na nagbida sa viral at matagumpay na “Fast Forward” music video nina Mar at Leni Robredo na unang napanood sa YouTube noong nakaraang Pasko. (ADOR SALUTA)