PAGKATAPOS ng hindi na mabilang na text messages na ipinadala namin kay Luis Manzano, sa wakas ay nakatanggap kami ng sagot.

Patuloy na pinag-uusapan ng publiko ang hiwalayan nila ni Angel Locsin. Hindi naman kasi niya sinagot ang pasenyas naming tanong sa kanya sa premiere night ng Everything About Her hinggil sa isyung ito.

Pero habang nasa studio kami ng Tonight With Boy Abunda na ang kanyang ina si Gov. Vilma Santos ang guest, diretso nang binanggit ni Luis na may matindi silang pinagdadaanan ni Angel ngayon.

Agad kasunod nito ang pakiusap niya na hanggang doon lang muna ang maaari niyang sabihin. Iniiwasan daw niyang pagpistahan pa nang husto ang nasabing isyu.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Kahit anong pangungulit naming sa dahilan ng tampuhan nila, ayaw magbigay ng anumang detalye ni Luis.

Pero ayon sa isa naming very reliable source na malapit kay Luis, mahigit isang linggo nang nagtatalo ang dalawa.

“Ilang araw lang mula nang dumating silang dalawa mula sa bakasyon ay nagkaroon na ng matinding away ang dalawa. Sa pagkakaalam ko, eh, may kinalaman ‘yun sa pagiging hurado ni Angel sa Pilipinas Got Talent.

“Alam mo naman si Luis, ayaw na ayaw niyang magkasama silang dalawa ni Angel sa isang project. Pero wala na rin namang magawa si Angel dahil naipit na siya sa sitwasyon,” sey ng source.

Naipit si Angel kung sino ang kailangang sundin, si Luis o ang utos ng isang taong malapit din sa kanya.

Sabi pa ng aming source, muntikan pa nga raw na si Luis na ang mag-backout sa naturang show.

Paglilinaw ng source, isa lang daw ito sa napag-alaman niyang dahilan sa “second breakup” nina Luis at Angel. Aniya pa, simula nang magkabalikan last February 14, ngayon lang nagkaroon ng matinding away ang dalawa.

Pero nang tanungin namin ang source kung tuluyan nang tinapos nina Luis at Angel ang relasyon nila, agad siyang umiling.

“Sobrang mahal ni Luis si Angel. Hintayin na lang natin dahil maaaring mamagitan ang isang taong parehong mahal ng dalawa, at tiyak na maaayos din nila ang gusot,” sey pa rin ng source namin. (JIMI ESCALA)