Namatay ang isang taong gulang na bibihirang lahi ng Philippine Hawk-Eagle, na sa bansa lamang matatagpuan, at nakitang sugatan sa kabundukan ng Camalig, Albay; ngunit kalaunan ay namatay din.

Kinumpirma ni Dr. Luis Adonay, hepe ng Albay Provincial Veterinary Office, na ang bibihirang ibon ay may mga tama ng bala ng baril sa kaliwang dibdib na kanyang ikinamatay.

“It is possible that the internal organs were hit by the bullet which resulted to death,” sabi ni Adonay.

Sinabi niya na ang hawk-eagle ay may wingspan na isang metro, 2 kilo at halos isang taon ang edad.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

“We will send people to Camalig to at least know the origin of the eagle. Mati-trace natin ‘yun. I believe na alaga siya at nakawala dahil na rin sa katawan nitong mataba,” sabi ni Adonay.

Idinagdag niya na hindi pa natutukoy kung sino ang namaril sa agila dakong hapon ng Enero 26, 2016.

Sinabi ni Dr. Manny Victorino, veterinarian ng Albay Park and Wildlife, na ang ibon ay natagpuan sa Quituinan Hills ng isang concerned citizen at dinala sa Camalig Philippine National Police, at kalaunan ay ibinigay sa Albay Park and Wildlife. (Nino Luces)