Dinakip ng pulisya ang isang lalaki matapos saksakin at mapatay ang kanyang nakababatang kapatid dahil sa sumbong ng kanyang anak, sa Tabaco City, Albay, iniulat ng pulisya kahapon.

Kinilala ni Supt. Lean Van de Velde, hepe ng Tabaco City Police Station, ang biktima na si Valentine Logica, ng Phase 4, San Antonio, Tabaco. Ang suspek ay si Raymundo Logica.

Ayon sa imbestigasyon, nagalit ang suspek sa kanyang kapatid matapos magsumbong ang kanyang anak na pinagalitan ito ng tiyuhin.

Kumuha ng kutsilyo ng suspek at pinagsasaksak sa dibdib ang biktima. (Fer Taboy)

Probinsya

PCG personnel, kasama sa mga nasawing biktima sa SCTEX road crash; naulila ang 2-anyos na anak