Inaasahan na ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) Executive Director Sonny Barrios na dadagsain ang limang araw na FIBA Olympic qualifier sa Mall of Asia (MOA) Arena sa darating na Hulyo 5-10.

At upang mabigyan ng pagkakataon ang mga Filipino basketball fans na hindi makakapasok o makakapunta ng MOA Arena para manood ng mga laro, plano ng SBP na magsagawa ng closed-circuit coverage sa mga sinehan sa iba’tibang panig ng bansa at maglagay ng mga “giant screens” sa mga liwasang bayan at mga malalaking parking lot.

Ito ang inihayag ni Barrios na dumalo sa isinagawang draw para sa tatlong Olympic qualifying tournaments na ginanap sa FIBA House of Basketball sa Mies, Switzerland.

Kaugnay naman ng naganap na draw kung saan nakasama ng Gilas Pilipinas ang Turkey, Senegal,Canada,France at New Zealand, inamin ni Barrios na napakaliit lamang ng tsansa ng bansa dahil sa napakalalakas ng kanilang mga kagrupo partikular na ang France at New Zealand na siyang nakahanay nila sa Group B ng Manila qualifier.

After 28 years: Thomasian student, naka-gintong medalya sa World Taekwondo Junior Championship

Ngunit sinabi ni Barrios na hindi matatawaran ang inspirasyon kayang ibigay ng taglay na “sixth man” ng Gilas.

"We admit our chances of winning the tournament are slim but you can't discount the factor of our Sixth Man," ani Barrios."At the 2013 FIBA Asia Championships, we saw how our team was inspired by the homecrowd. For the first time in FIBA history, we witnessed the wave. No one was surprised when at the FIBA World Cup in 2014, the Philippines was named the country with the Most Valuable Fans."

Simula noong 1972, hindi pa ulit nakakapasok ang Pilipinas sa Olympics basketball.

Upang mag-qualify sa darating na Olympic games sa Rio, kinakailangan ng Gilas na magkampeon sa idaraos na Manila OQT.

"It's the first time we're hosting an Olympic qualifying tournament,"ayon kay Barrios. "We played in an Olympic qualifier in 1964 in Yokohoma but we didn't make it to Tokyo. Now, we're hosting and it will make a big difference." (Marivic Awitan)