jeff napa's photo copy copy

Habang patuloy ang nangyayaring rigodon sa pagitan ng mga coaches sa mga collegiate basketball teams, isang ‘di inaasahang pangalan ang lumutang at sinasabing matunog na kandidato para maging susunod na headcoach ng reigning NCAA champion Letran.

Si Jeff Napa, ang kasalukuyang headcoach ng National University juniors squad ang sinasabing pinakamatunog na kandidato para maging kapalit ng lumipat na coach ng Knights na si Aldin Ayo.

Taliwas ito sa naunang balita na si Mapua assistant coach Randy Alcantara ang napipisil upang maging bagong coach ng kanilang Intramuros rivals.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Ayon sa isang mapagkakatiwalaang source, walang katotohanan ang napabalitang pumirma na ng kontrata si Alcantara bilang bagong coach ng Knights.

Sa halip, sinabi nito na si Napa ang lumutang na pinakamalakas na kandidato makaraan ang ilang serye ng deliberasyon ng binuong “search committee” ng Letran na siya ring pumili noon sa mga naging dating coach ng Letran na sina Louie Alas at Ayo.

“Siya yung pinakamataas. Pero may mga meetings pa this week, kailangan e. Pero wala pang final,” anang source.

Ibinalita rin nito na sa naganap na deliberasyon ay naroon mismo si Napa na nakumpirma naman sa kampo mismo ng NU na nagsabing nagtungo ang huli sa Letran para sa isang “interview”.

Bilang coach ng Bullpups, nabigyan ni Napa ang NU ng dalawang titulo at naihatid ang koponan sa apat na sunod na finals appearance sa nakalipas na apat na taon.

Sa kasalukuyang UAAP Season 78 juniors basketball tournament ay hindi pa natatalo ang Bullpups matapos ang 11 laro.

(Christian Jacinto)