Nanghuhuli lang ng isdang pang-ulam ang isang 12-anyos na lalaki ngunit minalas siyang malunod makaraan siyang madulas habang namimingwit ng isda sa Isla Puting Bato sa Tondo, Maynila, nitong Linggo ng hapon.

Hindi na umabot nang buhay sa Gat Andres Bonifacio Hospital si JR Casbadillo, out-of school, ng Pier 2 North Harbor, Tondo.

Batay sa report ni Det. Michael Maraggun, dakong 2:00 ng hapon nang mangyari ang insidente sa Isla Puting Bato, sa Tondo.

Ayon sa ama ng biktima na si Pacifico Casbadillo, 47, nagtungo ang binatilyo sa nasabing lugar kasama ang dalawang kaibigan upang mamingwit ng isdang pang-ulam.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Gayunman, habang namimingwit ay nadulas ang bata sa tinatapakang bato, tuluyang nahulog sa tubig, at nalunod.

(Mary Ann Santiago)