SANTA IGNACIA, Tarlac - Isang 26-anyos na babae ang umiiyak na dumulog sa himpilan ng Santa Ignacia Police matapos siyang bugbugin umano ng kanyang mister sa Barangay Timmaguab sa bayang ito.

Sa ulat ni PO3 Crispina Maregmen, halos mangitim umano ang mga nabugbog na bahagi ng katawan ng misis ni Dilan Gamo, 28, ng nasabing barangay, na nakaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9262 (Anti-Violence Against Women and Children).

Napag-alaman sa imbestigasyon ng pulisya na madalas umanong gawing punching bag ni Gamo ang kanyang asawa.

At nang hindi na matiis ang dinaranas na kalbaryo sa piling ng asawa ay nagharap na ng reklamo sa pulisya ang ginang laban sa kanyang mister. (Leandro Alborote)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?