Ni NORA CALDERON

Vic at Pauleen
Vic at Pauleen
LAGING nagbibigay ng maganda at nakakaaliw na presentation ang Eat Bulaga tuwing Sabado. Nitong nakaraang weekend, titled “Vic-Pauleen Wedding Special” ang napanood na tuluy-tuloy pa rin ang kanilang regular segments.

Ang ganda ng opening number nila na dedicated para sa mga ikakasal, sa January 30. Gumanap na ikakasal sina Alden Richards at Maine Mendoza, with Ryzza Mae Dizon and Baby Baste, kasama ang Spogify winners na nag-provide ng music at dance naman ng That’s My Baes. 

Medyo nagkatawanan na parang ninenerbiyos sina Alden at Maine while executing their sweet dance number.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Hindi na lumabas para mag-sugod bahay sina Jimmy Santos, Anjo Yllana, sina Lola Nidora (Wally Bayola), Lola Tidora (Paolo Ballesteros) at Lola Tinidora (Jose Manalo), Alden at Yaya Dub. Bumunot na lamang sila ng numbers sa studio audience ng tumanggap ng cash prizes and gifts.  

Sa “Juan For All All For Juan,” na-surprise sina Yaya Dub at lolas nang matagumpay na nakatugtog na si Alden sa ukulele sabay sa pag-awit niya ng Thinking Out Loud at pagtugtog sa organ ng Stay With Me. Nakapasa na si Alden sa unang pagsubok sa kanya ni Yaya Dub. Hindi na nasabi ni Yaya ang pangalawang pagsubok kay Alden nang mag-freeze na.

Pumasok na ang special bridal shower for Pauleen at bachelor’s party for Bossing Vic. Naiiba ang bridal shower na ibinigay kay Pauleen ng friends niya sa Dabarkads, sina Ruby Rodriquez, Patricia Tumulak at Pia Guanio. Naiyak si Pauleen sa magandang message ni Pia. Naroon din sina Camille Prats, Sherilyn Reyes at Yayo Aguila, ganoon din ang tatlong lolas at si Maine. 

Lahat ng gifts nila sa ikakasal, nagsimula sa letter B tulad ng barya mula kay Camille; bigas from Tinidora; banig from Nidora; batya from Yayo;  bilao from Pia; basketball from Sherilyn, bagnet from Ruby; bayong with gulay from Tidora.  Pero sabi ni lola Nidora, ang pinakamahalagang B na dumating sa buhay ni Pauleen, si Bossing Vic.

Sa bachelor’s party naman, nag-compose ng kanta sina Tito Sotto at Joey de Leon para sa ikakasal at isinama pa sina Alden at Maine na sana raw ay sumunod na rin. Inihandog nila ang song na Ikaw kay Vic. Bumati ang mga kapatid ni Bossing na sina Val at Maru, Dabarkads Jimmy Santos, Ryan Agoncillo, Anjo Yllana, Sam YG at Alden.  May dance number si Pauleen in silhouette at si Dhurizz (Wally). 

Hiningan nina Sen. Tito at Joey ng message si Pauleen for Vic: “Thank you for taking this journey with me, and be your wife.”  Si Bossing, only three words  lamang na nagsasabi how he feels, “I love you.”

Nagpasalamat si Vic sa kanyang mga kapatid lalo na sa kanyang mga anak na sina Danica, Oyo, Paulina at Vico.  Dito na napaiyak si Vic.

“Hindi madali ang ginawa naming desisyon ni Pauleen, pero salamat sa inyong pang-unawa at suporta, salamat sa inyong lahat.”

Nagkabiruan na ng may humiling ng kiss the bride na raw pero sabi ni Vic, hindi pa, pero nang kulitin siya na halikan na si Pauleen, iyong nakagawian niyang ‘pag hahalik ay sinasalubong ang kiss, nagtama rin ang lips nila.

Sa pambubuska rin ng Dabarkads, halikan na rin daw ni Alden si Maine at nang urong-sulang pa si Alden na nag-aalaalang baka magalit si Lola Nidora, itinulak na siya ni Lola Tinidora at naganap na rin ang first screen kiss ni Alden sa cheek ni Maine.

Simula ngayong Lunes, magkakaroon pa ng “Vic-Pauleen Wedding Special” hanggang sa Friday at isang special presentation ng Eat Bulaga sa wedding day sa Saturday, January 30.