Mga laro sa Sabado (San Juan Arena)

9 a.m. – Ateneo vs AdU

11 a.m. – DLSZ vs UE

1 p.m. – UST vs FEU

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?

3 p.m. – UPIS vs NU

Tatlong panalo na lamang ang kanilangan ng National University upang makamit ang target na “outright finals berth” makaraang masungkit ang ika-11 sunod na panalo matapos ilampaso ang University of Santo Tomas, 82-58 sa pagpapatuloy ng second round ng UAAP Season 78 juniors basketball tournament sa San Juan Arena.

Nakatitiyak na ng slot sa Final Four round, nakalamang ang Bullpups ng hanggang 31 –puntos sa labang dinomina nila upang manatiling walang talo.

Gaya ng dati, muling nanguna para sa NU si John Lloyd Clemente na nagposte ng 14-puntos na sinundan ni Justine Baltazar na muli ring nag-ambag ng double-double 13 puntos at 12 rebounds.

Sa iba pang laro, siniguro naman ng De La Salle-Zobel ang isang playoff berth para sa semis makaraang gapiin ang UP Integrated School, 85-74, habang nakababawi mula sa kanilang malamyang panimula ang defending champion Ateneo para maigupo ang University of the East, 96-58, at manatiling nasa ikatlong puwesto.

Tumabla naman ang Far Eastern University-Diliman sa kanilang biktimang Adamson University sa ikaapat na puwesto matapos nilang talunin ang huli, 60-55.

Umangat ang Junior Archers na pinangunahan ulit ni Aljun Melecio na nagtapos na may 22-puntos sa barahang 9-2,panalo-talo, angat ng dalawang laro sa Blue Eaglets (7-4) para sa pinag-aagawan nilang second twice-to-beat slot sa Final Four.

Umiskor si Jolo Mendoza ng 25 puntos upang manguna sa ginawang pagkalas ng Ateneo mula sa apat na puntos na bentahe paramakabangon mula sa kabiguang nalasap sa kamay ng De La Salle-Zobel noong Miyerkules.

Nagsalansan si Jun Gabane ng 18 puntos habang nagposte si Kenji Roman ng double-double 12 puntos at 15 boards para magapi ang Baby Falcons at makatabla ang mga ito sa fourth spot taglay ang barahang 6-5.

Wala na sa kontensiyon ang Tiger Cubs (3-8), Junior Maroons (2-9), at Junior Warriors na wala pa ring naipapanalo matapos ang 11 laro.