LIPA CITY, Batangas - Pasok sa selda ang isang ginang matapos umanong makuhanan ng hinihinalang shabu sa kanyang ari nang tangkain niyang dumalaw sa nakapiit niyang asawa sa Lipa City, Batangas.

Ayon sa report ng pulisya, dakong 2:40 ng hapon nitong Huwebes nang mabuking ang ipupuslit sana ni Lanie Agojo, 46, ng Barangay 3, makaraan siyang kapkapan ni Jail Officer Cleo Magdalene Limbo.

Nakasilid pa umano sa condom ang tatlong sachet ng shabu—nasa 10 gramo—na nakumpiska mula kay Agojo, na dadalaw sana sa asawang akusado sa ilegal na droga. (Lyka Manalo)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog