Bigo ang dalawa sa tatlong Filipinao riders na sina Marella Vania Salamat sa women’s elite at Irish Wong sa juniors sa pagsabak sa ginanap na Individual Time Trials (ITT) ng 2016 Rio Olympic qualifying event na Asian Cycling Championships sa Oshima, Japan.

Tumapos lamang na pang-siyam ang 22-anyos na si Salamat sa kanyang naitalang tiyempo na 3:57.12 , may 3 minuto at 57 segundo ang layo sa nagwaging si Mayuko Hagiwara ng Japan sa oras na 32:25.17, para makuha ang nakatayang 16 na Olympic qualifying points at ang awtomatikong Olympic berth sa Rio de Janeiro games.

Pumangalawa naman si Ju Mi Lee ng Korea na napag-iwanan lamang ng +0.21 segundo at nakakuha ng 11 Olympic qualifying points at ikatlo ang 21-anyos na si Yao Pang ng Hong Kong na may layong +1:40.06 kay Hagiwara at nagkamit ng 6 Olympic qualifying points.

Nagtapos namang ikawalo ang 17-anyos na si Wong sa juniors division sa kanyang oras na 21 minuto at 2.88 segundo, halos tatlong minuto ang layo sa nagwaging si Ting Chang ng Chinese Taipei na nagtala ng oras na 17:15.3.

Hidilyn Diaz, Sonny Angara, nagpulong; weightlifting raratsada na sa Palarong Pambansa?

Huling pagkakataon na ito upang magkamit ng Olympic qualifying points nina Salamat at kapwa elite team member na si Avegail Rombaon ngayong araw sa pagsabak nila sa massed start road race. (Angie Oredo)