Walang awang pinagtataga hanggang sa mamatay ang isang 64-anyos na lalaki matapos siyang maaktuhang nakikipagtalik sa misis ng suspek sa isang basketball court sa Barangay Landang, Polomolok, South Cotabato, nitong Huwebes ng gabi.

Ayon kay Supt. Joedelito Guisingga, ng South Cotabato Police Provincial Office (SCPPO), walang awang pinagtataga ni Joven Tablo, 31, ng Purok 5, Bgy. Landang, si Freddie Cabillan, 64, ng Bgy. Maligo, Polomolok.

Batay sa imbestigasyon, dakong 6:00 ng gabi at pauwi na ang suspek nang madaanan nito ang misis sa basketball court habang nakikipagtalik kay Cabillan.

Mabilis na nakalapit si Tablo sa dalawa at agad na sinuntok ang matanda bago tinaga sa ulo ng dalang itak.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Agad na namatay si Cabillan, habang sumuko naman sa isang barangay kagawad ang suspek. (Fer Taboy)