Duguang humandusay sa semento ang katawan ng isang binata matapos itong barilin hanggang sa mapatay ng hindi pa nakikilalang mga suspek na umano’y nakagalit ng una sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.

Dead on arrival sa Tondo Medical Center si Joven Junsay, 18, ng No. 36 Interior Street, North Bay Boulevard, dahil sa tama ng .38 caliber sa likod.

Sa report ni PO2 Phillip Edgar Valera, ng Station Investigation Division (SID), dakong 4:00 ng umaga nang mangyari ang krimen sa Piscador Street sa Barangay NBBN.

Naglalakad umano ang biktima nang biglang harangin ng tatlong lalaki.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sa takot ni Junsay ay napatakbo ito ngunit isa sa mga suspek ang bumunot ng baril at pinaputukan ang biktima.

“Malaki ‘yung possibility na kagalit ng victim ang mga suspek at natiyempuhan siya nito,” ani Valera.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang mga pulis para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga salarin.

(Orly L. Barcala)