Nilinaw ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Richie Garcia na hindi delikado para sa mga nagsasanay na mga track and field athletes ang plano nitong pagtatayo ng isang beach volley sand court sa gilid at hindi sa gitnang bahagi ng track oval sa Philsports Complex na tinututulan ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA).

Sinabi ni Garcia na kinonsulta na nila ang ilang track and field coaches gayundin ang mga inhinyero upang agad na mapag-aralan ang pagtatayo ng sand court at kung paano ito magagamit ng maayos at hindi nakakaapekto sa mga nagsasanay na mga atleta sa track and field.

“We have a very limited area and we feel that we had to share it with other sports,” sabi ni Garcia. “It is just a matter of scheduling. We talk to several coaches and they told us that part of the field ay hindi naman ginagamit.”

Ipinaliwanag ni Garcia na may layong 80 metro ang plano nitong itayong sand court mula sa dulo ng limitasyon ng mga throwing event kung pagbabatayan ang mga national record ng mga pambansang atleta.

Wrestler-actor Dwayne Johnson, may pasabog sa fans; balik wrestling ring?

“Hindi naman iyon ang talagang spot ng sand court. Siyempre kapag gagawa ng bahay ay hindi mo itatambak ang mga lupa doon sa lugar na huhukayin mo,” sabi ni Garcia. “Nandoon ang mga sand dahil kailangan pa hukayin ang mismong parte ng field na paglalagyan ng buhangin,” sabi nito.

“They say we are unreasonable and shooting us from the hits kahit hindi pa nila nakakausap. We are just looking at an Olympic sports where we had a good chance of winning a medal,” dagdag ni Garcia. “We consulted with Sim Sotto and we learned that puwede maglagay dahil 20 meters lamang ang sand court.”

“They (PATAFA) themselves said that their athletes can reached some 60m so still meron pa rin na malaking space na safe na safe para doon sa sand court. And siyempre, hindi naman pupuwede na may maghahagis doon sa field tapos may maglalaro,” sabi pa nito.

Ipinaliwanag ni Garcia na plano ng PSC na itayo ang sand court na kapantay mismo sa lupa sa oval at modular ang konsepto kung saan maaaring alisin kapag walang naglalaro at ikabit muli ang mga parte ng sand court kung may mga gagamit para hindi makaistorbo sa mga nagsasanay na atleta.

“They are misinformed. It’s not an issue at all kung nagtanong lang sila. Maraming atleta ang makikinabang diyan and nobody is going to get hurt because lalagyan ng mga pole at net ang apat na side para hindi kung saan-saan napupunta ang bola at makadisgrasya ng mga nagtetraining,” paliwanag ni Garcia.

Idinagdag ni Garcia na katulad sa Ninoy Aquino Stadium (NAS) na multi-functional ang pasilidad at nagagamit sa iba’t ibang sports tulad sa basketball, volleyball at futsal.

“It is a decision we made because it will generate the attention of other athletes to join and train. How can you belittle the sports where we had a good chance of winning a medal? If only we have a space, why we should put it up there in the oval? They should have talked to us,” sabi ni Garcia. (ANGIE OREDO)