BINASAG na ng comedian na si Amy Schumer ang kanyang pananahimik sa gitna ng mga alegasyon na nang-agaw at nanggaya siya ng jokes ng ibang mga komedyante.

Sa isang tweet noong Huwebes, Enero 21, 2016, nilinaw ng 34 na taong gulang na si Schumer na hindi ito totoo at “would never steal a joke” mula kanino man. Ang kanyang tweet ay nakatanggap ng 5,000 likes at 600 retweets.

On my life, I have never and would never steal a joke.— Amy Schumer (@amyschumer) January 20, 2016

Nagsimula ang kontrobersiya nang sabihin ng stand-up comedian na si Wendy Liebman kina Tammy Pescatelli at Kathleen Madigan na social media ang tungkol sa umano’y pang-aagaw ng joke ni Schumer.

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist

Ayon sa Huffingtonpost, inihayag ni Liebman, at ng dalawa pang komedyante, sa Twitter ang kanilang pagkadismaya kay Schumer.

Sa mga binurang tweet nina Liebman at Pescatelli, sinasabi nilang ginaya at ginamit ni Schumer ang mga joke sa social media memes sa kanyang HBO special, at sinabing si Schumer ay isang tao na “purports to be a feminist and yet only steals from other female comedians”.

Pinabulaanan ni Liebman noong Miyerkules (Enero 20, 2016) ang lahat ng alegasyon at sinabing posibleng nagkapareho lang ang mga joke, ngunit nais niyang ipaalam sa kanyang followers na “I (Liebman) wrote it first”.

I never said @amyschumer stole my joke. I just said it was the same. It’s possible we both wrote it. I just wanted you to know I wrote it 1st.— Wendy Liebman (@WendyLiebman) January 20, 2016.

Nagpahayag din noong Huwebes si Pescatelli ng quote tungkol sa pang-aagaw, sinabing hindi niya alam kung saan nagsimula ang lahat. Gayunman, sinabi niya na “it couldn’t be further from the truth.”

I (heart emoticon) @RachelFeinstein. I don’t know who, what or where that rumor started but couldn’t be further from the truth. https://t.co/w1opUzLIoa— Tammy Pescatelli (@TammyPescatelli) January 21, 2016.

Ang Inside Amy Schumer star ay dati na ring naakusahan ganitong isyu noong Oktubre ng nakaraang taon, sa pagkakapareho ng kanyang mga joke sa HBO gig ni Patrice O’Neal. (MB Entertainment)