“ANG arte-arte niya, feeling sikat, hindi naman siya kagalingang umarte.”

Ito ang litanya ng isang aktres, na ikinagulat namin, tungkol sa kapwa niya aktres na naging kaibigan niya noon.

 

“Ako ang nagpasok sa kanya sa programang ‘yun, pero ano’ng ginawa niya, sa akin pa siya nagagalit kasi hindi siya nag-click sa show kasi nga ang arte-arte niya.”

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Ang siste pala, ang aktres na nagkukuwento sa amin ang dapat na nasa programang may mataas na ratings, pero hindi siya pumuwede dahil may nauna na siyang commitment kaya ang kaibigang aktres ang ipinasok niya kasi nga wala itong trabaho.

 

“Nu’ng una, ayaw niya, kasi hindi niya alam ang gagawin niya, first show niya kasi, wala naman siyang experience pa kasi nga wala naman siyang work, tambay mode lang kung saan-saan.

 

“’Yun nga, sinabi ko do’n sa EP (executive producer) ng show na si _______ (kaibigang aktres) na lang kasi hindi ako puwede.

 

“So, nakapasok na, okay na, akalain mo, tinawagan ako at sinabing, ‘O, hayan, you owe me ha, kasi sumunod ako sa payo mo’. Hello, anong you owe me ang drama niya, eh, hindi naman ako kikita ro’n, pasalamat siya, ‘nirekomenda ko siya. 

 

“Exposure kaya niya ‘yun, ‘tapos ngayon ako pa may utang na loob sa kanya, excuse me,” mahabang kuwento ng kausap naming aktres.

 

As of now ay hindi nag-uusap as in dedmahan ang dalawang aktres kapag aksidenteng nagkikita sa network na pareho silang konektado.

 

Totoo nga yata talaga ang lahat ng kuwentong nakarating sa amin tungkol sa kaibigang aktres ng kausap namin, na hindi ito marunong lumingon o tumanaw ng utang na loob sa taong nakakatulong sa kanya.

 

No wonder, iisa lang yata ang taong malapit sa kanya, ang boyfriend niya na sunud-sunuran sa kanya.

 

Clue: may ginagawa siyang pelikula ngayon. (Reggee Bonoan)