CAPAS, Tarlac – Lantaran na ngayon ang ilegal na transaksiyon ng mga hinihinalang drug pusher, at dalawa sa kanila ang nadakip ng pulisya sa Sitio Salanggi, Barangay Sto. Rosario sa Capas, Tarlac.

Sinabi ni SPO1 Rodrigo Salazar na nalambat sa buy-bust operation sina Andrew Bagang, Jr., 25, binata, ng nasabing barangay; at Januar Kansa, 29, ng Bgy. Pampang, Angeles City.

Ang dalawa ay nahulihan ng apat na transparent plastic sachet na bawat isa ay naglalaman ng 0.115 gramo, 0.118 gramo, 0.151 gramo, at 0.143 gramo ng hinihinalang shabu.

Nabawi mula sa dalawa ang P500 marked money. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog