Umaalma ang mga faculty ng University of the Philippines-Diliman, Quezon City sa planong bawasan ang units sa General Education dahil sa implementasyon ng K-12 program.

Ayon sa UP Sagip GE Movement, kailangan ng mga estudyante ng mayaman at masinsinang GE program taliwas sa inaakala.

“There is no empirical basis to reduce the number of GE units because in other country like the National University of Singapore they have a minimum of 36 GE units, while other top universities in Asia have 54 units,” pahayag ni Danilo Arao, tagapagsalita ng kilusan.

Hiniling ng UP Sagip GE Movement sa mga estudyante na makiisa at tutulan ang Resolution No. 7 na pagbobotohan sa Enero 25.

Events

Juan Karlos, inaalay ang tagumpay sa kaniyang lola

“Magkaiba ang layunin at antas ng GE sa K-12. Hindi rin totoo na ang dahilan ng pagbabaws ng GE ay dahil kailangan ng dagdag na major courses sa natural sciences at engineering na papalit sa mga tinanggal na subject sa GE. Lalong hindi totoo na sapat ang mga major courses para sa pagtuturo ng GE objectives,” diin ni Arao. (Mac Cabreros)