Korina at Mayor Erap copy

TUWANG-TUWA si Korina Sanchez-Roxas nang magkita sila ng dating pangulo na ngayon ay alkalde ng Maynila na si Joseph “Erap” Estrada sa pista ng Sto. Niño de Tondo, sa Manila.

Kasama ng misis ni Mar Roxas na naglibot sa mga kalye ng Tondo ang senatoriable na si Risa Hontiveros at si Aika Robredo, ang panganay na mga anak na babae ng vice-presidentiable na si Leni Robredo.

Game na game na nakipagbiruan sa isa’t isa sina Koring at Erap na siya namang ikinagalak ng mga taga-Tondo at ng kanilang mga kasama.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Sir, sexy kayo ngayon and banat na banat ang mukha, ano po ang iyong sekreto?” pabirong tanong ni Korina.

“Ikaw naman, Koring, ‘wag tayo dito magsabihan ng sekreto sa harap ng madlang pipol, ‘no,” mabilis na sagot ng dating aktor.

Ang ikinagulat at ikinatuwa ni Koring ay ang masinsinang usapan nila ni Erap na buong kaprangkahang sinabi sa kanya ang tungkol sa paghanga nito kay Mar.

“Korina I always tell everyone and will tell you again that I think Mar Roxas is the most qualified to become president,” sabi ni Erap.

Dahil dito, parang nawala raw ang pagod ni Korina at lalo pa siyang ginanahang makisaya sa mga nakipista sa Sto. Niño de Tondo. (DINDO M. BALARES)