KALIBO, Aklan - Kinasuhan ng slander by deed ang isang sundalo, na naging viral sa Facebook ang post tungkol sa umano’y pag-descriminate sa kanya sa airport lounge sa Kalibo International Airport sa Aklan.

Sinabi ni Gunse Lee, manager ng Domabem Corporation na namamahala sa Kalibo Airport Lounge, na isinampa na nila ang kaso sa Aklan Prosecutors’ Office noong nakaraang linggo.

Bukod sa slander by deed, pinag-aaralan din ng abogado ng kumpanya ang paghahain ng kasong administratibo at paglabag sa Anti-Cybercrime Law laban kay 1st Lt. Ryan Layug.

Sinabi ni Lee na handa silang iatras ang mga nabanggit na kaso laban kay Layug kung magpa-public apology ang sundalo.

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae

(Jun N. Aguirre)