TALUGTOG, Nueva Ecija - Bumagsak sa kamay ng batas ang isang 28-anyos na binata na matagal nang pinaghahanap sa kasong carnapping makaraan siyang masukol sa pinagtataguan sa Barangay Cinense sa bayang ito, nitong Lunes ng umaga.

Sa ulat ni Senior Insp. Romeo Millo Gamis Jr., hepe ng Talugtog Police, kay Senior Supt. Manuel Estareja Cornel, Nueva Ecija Police Provincial Office director, nakilala ang suspek na si Michael Luis y Crisostomo, construction worker, residente ng nasabing lugar.

Ayon kay SPO2 Abraham Florendo, dakong 11:00 ng umaga nang masukol ang suspek sa bahay ng kanyang lola.

Si Luis ay pangatlo sa mga target ng Oplan: Lambat Sibat ng Talugtog Police. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae