claudine-barretto-feb262012-3 copy

ANG ‘di muna pagsulong ng kasong annulment ng mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto ang isa sa mga dahilan kung bakit masayang-masaya ang estado sa buhay ng aktres ngayon.

Ibinahagi ni Claudine sa press conference ng bago niyang teleserye sa TV5 na Bakit Manipis Ang Ulap? ang matagal na nilang napagdesisyunan ng asawa na isantabi muna ang pagpapatuloy ng kasong annulment. Para ito sa kanilang mga anak.

Ayon pa sa aktres, kung hindi naging matagumpay ang pagiging mag-asawa nila, ayaw nilang pumalpak bilang magulang ng kanilang mga anak. Kaya minarapat nilang pagtibayin at pag-ibayuhin ang pagiging magulang nila. At sa palagay ni Claudine, ikinagagalak ito ng mga anak nila ni Raymart.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

“We are really good friends now. We are really trying to be good parents so napag-usapan namin na stop muna lahat-lahat ng mga kaso at mag-co-parenting na lang sa pagpapalaki sa mga anak namin.”

Idinagdag pa niya na dahil sa “focus” nilang maging mabuting magulang, nakabuo sila ng isang maganda at matibay na pundasyon sa relasyon nila sa kanilang mga anak.

“Sobrang solid talaga kami ngayon when it comes to our kids,” ngiti ni Claudine.

Tinanong naman nila ang isa’t isa habang dinidinig ang annulment na pareho nilang sinagot na wala na silang balak pang mag-asawa o magpakasal sa iba. Pero hindi rin sila magkakabalikan.

Ibinalita pa ni Claudine na ngayon lang sila ulit “na-enjoy” ng kanilang mga anak bilang kanilang mga magulang na nakakasama sa kanilang eskuwelahan, sa mga lakad o pamamasyal. Pinayagan na nga ni Claudine na mabisita naman ng mga anak nila si Raymart sa tirahan nito.

“I’m very very happy kasi happy na ‘yung kids,” saad ni Claudine. “So kapag nag-jump kami sa annulment ngayon mabubuwag ‘yung foundation na ‘yun. Kasi mapag-uusapan na naman… magastos din siya!”

Matutuloy lang ang annulment kung mai-in love ulit ang aktress o magkaka-girlfriend si Raymart na dapat bigyan siya ng “heads up.”

Ang teleserye niyang Bakit Manipis Ang Ulap? ay hango sa pelikula noong 1985 na isinulat at idinirehe ng namayapang si Danny Zialcita, pinagbidahan nina Chanda Romero, Laurice Guillen, Tommy Abuel, Mark Gil at Janice de Belen.

Ang kasama ni Claudine sa revival ngayon ay sina Diether Ocampo, Dindi Gallardo, Samantha Lopez, Bernard Palanca, Meg Imperial at Cesar Montano, mula sa direksiyon ni Joel Lamanganang at sa TV5 at VIVA Communications, Inc. Sa February 15 na ang pilot nito sa TV5. (WALDEN SADIRI M. BELEN)